May nakita kang magnanakaw sa AOR mo. Habang nasa safe distance ka, sinita mo siya at balak mo siyang hulihin. Ang reaksiyon ng magnanakaw ay nagulat at nagtangkang tumakas papalayo. Tatandaan na walang unlawful aggression kasi tumakbo siya papalayo sa iyo. So, hindi kailangan ng use of force gamit ang ano mang armas meron ka kasi bawal un sa batas. Hahabulin mo siya para hulihin. Bawal din ang warning shot, meron deriktiba ang PNP nyan. Hanggat maaari, magtawag ka ng backup habang hinahabol mo siya para may katulong ka! Kung halimbawa na-corner mo na siya, maintain ang iyong safe distance at sabihan o sigawan na huminto siya o dumapa kasi huhulihin mo siya. Kailangan tama lang ang distansiya para handa kang dumipensa kung sakaling manlaban siya. Tandaan na ang maling paggamit ng lakas o armas sa taong hindi naman lumalaban sa iyo ay pwedeng maglagay sau sa alanganin kahit pa magnanakaw yan.
Kung ang magnanakaw na sinita mo ay nagulat at balak niyang manlaban na gamit ang ano mang armas na dala niya eh may karapatan ka na gumamit ng lakas o armas ng katumbas sa magnanakaw. (Use of force for Self-Defense).
- halimbawa may hawak na kutsilyo ang magnanakaw. Within safe distance, sigawan mo na ibaba ang kutsilyo habang nakatutok sa kanya ang baril mo. Pag hindi nakinig at akmang susugurin ka eh paputukan mo na siya sa bahagi ng kanyang katawan na magdulot sa kanya ng panghihina at hindi na maka-panlaban. Hanggat maaari iwasan ang fatal shot pero Kung sa tingin mo delikado ang buhay mo ay gawin na ang nararapat.
- halimbawa baril ang armas ng magnanakaw, kailangan naka-safety ka o naka-cover sa matitigas na bagay bago siya sisitahin at sabihan na ibaba ang kanyang armas habang nakatutok ang baril mo sa kanya. Pero kung hindi siya makinig at may balak mamaril eh unahan mo na.
Maraming pwedeng maging argumento sa scenario na ito, lalo na sa mga taong medyo may pilosopong pag-iisip. Ganon paman, bilang isang guardia, tinuturo sa atin na sundin ang tamang proseso sa lahat na bagay bagay. Kahit ano mang action ang gagawin mo, nasa sa iyo na yan. Kailangan mong pangangatawan. Ang importante alam mo ang tama at maling proseso para kung sakaling may imbestigasyon madali mo nlang idepensa sarili mo.
No comments:
Post a Comment