BAKIT BAWAL MAKIPAG-INUMAN ANG ISANG SECURITY GUARD SA MGA EMPLEYADO WITHIN THE COMPANY?
Itong issue na ito ay maraming beses nang lumabas sa mga post ng ibat-ibang security group. Maraming opinion at reaksiyon ang mababasa at makikita tungkol dito na nanggagaling sa kanilang sariling paniniwala. Ang pagbababawal sa ganitong gawain ay tama pero ito hindi masyado nalinawan ng maigi. Depende kasi yan kung kasama o hindi sa sinusulat na mga guidelines at patakaran ng isang kompanya. Sa madaling sabi pwede mong mabasa o hindi ang kautusang ito kaya ang iba hindi masyadong siniseryoso. Pero itong kautusan na ito ay generally at morally practice ng mga security guards na more sincere pagdating sa kanilang trabaho.
Isa sa ating trabaho ay "to serve the interest of the client". Ibig sabihin, ang isang security guard ay dapat mapagkatiwaan ng client. Dapat buo ang tiwala ng client sa iyo. Huwag nating kalimutan na isa ito sa rason kung bakit nandyan ka. Ang kliyente kumuha ng serbisyo mula sa security agency para protektahan ang kanyang interest at ikaw ang pinadala ng agency para isakatuparan ito. Ang agency ay nagtitiwala sa kakayahan mo na magampanan ng maayos ang iyong trabaho para hindi siya mapahiya doon sa kliyente kasi ito ay nagbabayad sa kanya. Most of the security agencies will not tolerate this kind of action (pakikipag-inuman). Maliban lang sa iba na wala silang paki-alam sa mga ginagawa ng kanilang guards at ang importante ay ang kita. Ang pinaka-guide sa ating mga guards to act and behave well dito sa ating propesyon ay ang 11 General Order, Code of Conduct and Ethics. Dito natin dapat hinuhugot ang tamang mindset sa pagpeperform ng ating trabaho. Ang pinaka pinagbabasehan ng mga security agencies para ipagbawal itong pag-iinom kasama sa mga empleyado ay ang nakasulat doon sa security code of conduct number 5 na "He shall not drink intoxicating liquor immediately during or before his tour of duty." at ang code of ethics number 4 "He shall act at all times with decorum and shall not permit personal feelings, prejudices, and undue friendship to influence his actuations in the performance of his official function." Pero unfortunately, ung iba ay binabasa at nami-memorize lang ito pero hindi talaga naintindihan kung gaano kalawak sa sakop nito pagdating sa punto kung paano ito makaka-apekto sa pagganap na ating trabaho. Noong panahon na nag undergo tayo ng training, ito ay pinababasa, pina-memorize at pina-iintindi ng instructor sa atin pero paglampas ng iilang buwan ay kadalasan nalilimutan na ito. Maliban lang kung ikaw ay determinado na palaging ilagay sa alaala mo.
Bakit ba ito pinagbabawal? Ang isa sa pinaka-rason ay para maiiwasan magkaroon ng close relationship doon sa empleyado (code of ethics #4). Pagnagkaroon na ng tinatawag nilang over familiarity sa mga empleyado ay mataas na ang chances na ma-impluwensiyahan ang kanyang disposition sa mga bagay bagay na nangyayari sa kanyang paligid. Tiwala kna doon sa kaibigan mong empleyado na hindi ito gagawa ng mali o bawal kasi close friend nga kayo. Kampante kna sa kanyang mga kinikilos. Magiging relax kna at hindi muna masyadong pinapansin kung anong ginagawa nila. And worst, pag may makita kang konting pagkakamali ay babalewalain mo nalang dahil kaibigan mo siya at ibang empleyado nalang na hindi mo close ang hihigpitan. Dito na mag uumpisa ung kinakatakutan ng agency at ng kliyente pag nalaman nila ito, ang tendency ng SABWATAN.
Ang security agency ay iniiwasan nilang dumating sa punto na ganoon ang sitwasyon ng security guard nila doon sa mga empleyado ng kliyente kasi magiging ineffective na ito. Hindi mo man maramdaman na pinagdududahan ka nila pero nasa watchlist kna. Pagnagkaroon ng insidenteng nakawan o may nawawalang mga items ay "tinitingan kaagad ang angulo ng SABWATAN. This is not good situation sa isang security guard. Kaya iniiwasan na makikipag-close ang isang guard sa mga empleyado para hindi siya magiging isang main subject pagnagkakaroon ng imbestigasyon sa isang insidente.
Iyon ang pinaka-punto na maiiwas ka sa intriga. Pagmay insidenteng nakawan sa isang lugar, lahat na nadoon sa area na iyon ay magiging suspect pero paghinimay-himay na ng isang imbestigador kung sino-sino ang dapat pagduduhan ikaw ay mawawala kaagad sa kanyang listahan.
Kung base sa pananaw ng kliyente at ng security agency, ito ay hindi talaga magandang tingnan kahit saang anggulo. But since na hindi mo talaga 100 percent mapasunod ang guardia sa kagustuhan ng client at ng agency, nasa kanya na ang desisyon kung paano niya gampanan ang kanyang trabaho. Ang importante ay alam niyang bawal ito. Pag gumawa ka ng bawal ay alam naman natin lahat kung ano ang kasunod. Nasa guardia lang yan kung paano niya pangangatawanan ang salitang "responsible at desicpline security guard. Kung hindi ka man masasabihan ng mga boss mo eh kunsiyensiya nalang ang bahalang magpapa-alala sa iyo.
No comments:
Post a Comment